Ni Gilbert Espeña

Kailangang patulugin ni world ranked Ronnie Baldonado ng Pilipinas si two-division world titlist Kosei Tanaka dahil mahirap manalo sa puntos sa Japan.

Maghaharap sina Baldonado at Tanaka sa Marso 31 sa International Conference Hall sa Nagoya sa unang laban ng Hapones sa flyweight division.

Binitiwan kamakailan ni Tanaka ang kanyang WBO light flyweight title at kaagad inilagay bilang No. 1 contender kay WBO flyweight champion Sho Kimura na isa ring Hapones. Nakalista rin siyang No. 3 ranked sa kababayang si WBC flyweight titlist Daigo Hira.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

No. 12 lamang sa WBO flyweight rankings si Baldonado kahit siya ang interim WBO Oriental 112 pounds titlist na natamo niya nang patulugin si one-time world title challenger Yiming Ma noong Abril 27, 2017 sa Beijing, China.

Naipagtanggol niya ang belt matapos mapatigil sa 3rd round si Indonesian knockout artist at dating IBF Youth flyweight champion Iwan Zoda noong Setyembre 29, 2017 sa Beijing, China.

May rekord si Baldonado na 10-0-1 win-loss-draw na may 7 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Tanaka na may perpektong 10 panalo, 6 sa pamamagitan ng knockouts.