Ni Mina Navarro

Iniutos na ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapadala ng 58 immigration officer (IO) sa mga paliparan ng bansa upang matiyak na sapat ang mga tauhan nitong maglilingkod sa mga pasahero sa Mahal na Araw.

Tinukoy ni BI Commissioner Jaime Morente ang pag-apruba nito sa rekomendasyon ng BI port operations division na pansamantala munang italaga sa mga paliparan ang mga tauhan nitong magmumula sa mga field office ngayong Semana Santa.

Aniya, layunin nitong mabawasan, kung hindi man matanggal, ang mahabang pila ng mga pasahero sa immigration counters sa nasabing panahon, na karaniwan nang dagsa ang mga pasahero.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sinabi ni Morente na nilagdaan na rin niya ang personnel order na nagtatalaga ng 38 immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nilinaw din nito na may 20 pang opisyal ang naitalagang muli at ipinakalat sa mga paliparan ng Mactan-Cebu, Clark, Kalibo, at Davao.