Ni Kate Louise Javier

Dalawang lalaki, kabilang ang menor de edad, ang ibinulagta ng mga nakamotorsiklo sa North Caloocan.

Limang tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ni John Paul Dagohoy, 17, ng Barangay 176 sa Bagong Silang, na kagagawan ng riding-in-tandem.

National

VP Sara sa kaniyang plano sa politika: ‘It is always God’s purpose that shall prevail!’

Nakatayo si Dagohoy sa tapat ng bahay ng kanyang tiyahin sa kahabaan ng Phase 2 nang pagbabarilin ng mga armado, ayon kay case investigator PO1 Eddielou Alon.

Isinugod ang bata ng kanyang ina sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital kung saan siya idineklarang dead on arrival.

Makalipas ang 30 minuto, namatay si Marlon Valiza, 30, tricycle driver, ng Bgy. 176, dahil sa tinamong bala sa ulo.

Ayon sa mga saksi, nag-aabang ng pasahero si Valiza sa Phase 9, nang sumulpot ang riding-in-tandem at pinagbabaril ang una.

Ayon kay North Caloocan police head Sr. Inspector Dennis Odtuhan, posibleng iisa lang ang pumatay sa mga biktima.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation sa insidente.