WASHINGTON (AFP) – Mariing idinepensa ni US President Donald Trump ang binabatikos na pagbati niya kay Russian strongman Vladimir Putin nitong Miyerkules, habang hindi mapakali ang White House na nalantad sa publiko ang kanyang ginawa.

“I called President Putin of Russia to congratulate him on his election victory,” tweet ni Trump. “The Fake News Media is crazed because they wanted me to excoriate him.”

“They are wrong! Getting along with Russia (and others) is a good thing, not a bad thing,” aniya, sinabi na ang Moscow “can help solve problems with North Korea, Syria, Ukraine, ISIS, Iran and even the coming Arms Race.”

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national

Isinuhestiyon din ni Trump na ang maganda niyang pagtingin kay Putin ay maaaring bumago sa mga relasyon. “Bush tried to get along, but didn’t have the ‘smarts.’ Obama and Clinton tried, but didn’t have the energy or chemistry (remember RESET). PEACE THROUGH STRENGTH!” tweeted pa niya.

Nagulat ang mga aide sa desiyon ni Trump na tawagan si Putin, ngunit lalo silang nagulat nang balewalain niya ang kanilang mga habilin na mariing nagbabala sa kanya na “DO NOT CONGRATULATE”.

Pinayuhan din si Trump na kondenahin ang paglason sa isang dating Russian spy sa Britain. Ayon sa mga salaysay sa White House at ng Kremlin, pareho itong hindi sinunod ni Trump.