Nina ROY C. MABASA at GENALYN D. KABILING

Bibisita ang mga kinatawan ng International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas para kumbinsihin ang gobyerno na huwag nang ituloy ang planong pagkalas sa Rome Statute, ang founding treaty ng Court.

“I’ve heard about it,” ani Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa media briefing nang tanungin sa kumpirmasyon ng mga ulat na magpapadala ang ICC ng mga kinatawan para bumisita sa Pilipinas. “There are feelers. I don’t know if those are official communications.”

“They wanna convince us to come back...to convince us that the (on-going preliminary examination of the Philippine human rights situation by the Office of the Prosecutor of the ICC) would be fair,” dagdag niya.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Naniniwala naman si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na maipagpapatuloy ng ICC ang imbestigasyon sa kanyang war on drugs, at handa siyang makipagdebate sa mga abogado para depensahan ang kanyang argumento.

Ikinatwiran ng Pangulo, dating prosecutor, na walang batayan o kapangyarihan ang tribunal para ituloy ang preliminary examination dahil ang founding treaty nito ay hindi maituturing na batas sa bansa.

“Sabihin nitong mga abogado, I’d like to debate with you really. Paunahin ko pa kayo ng isang oras. Sige daw.

Sabihin mo ‘We can continue with the investigation.’ Based on what?” ani Duterte sa pagtitipon ng League of Municipalities of the Philippines sa Manila Hotel nitong Martes ng gabi.

“Why are you here? Why are you f*cking in my country? What’s your power? What vests you? The treaty? The treaty was not published. When it is not published, it is as if there is no law at all,” dugtong niya.

Nauna rito ay nagpasya ang Pangulo na iurong ang membership ng bansa mula sa international court bilang protesta sa “baseless” attacks laban sa kanya at mga paglabag sa due process. Ginawa ni Duterte ang desisyon ilang linggo matapos buksan ng ICC ang preliminary examination sa umano’y crimes against humanity na nagawa sa ilalim ng kanyang madugong giyera kontra ilegal na droga.

Sinabi ng ICC na hindi maaapektuhan ang imbestigasyon sa pag-urong Pilipinas sa samahan, na aabutin pa ng isang taon bago magkabisa.

Gayunman, ikinatwiran ni Duterte na ang Rome Statute, na lumikha sa ICC, ay itinuturing na “criminal law” na kailangang mailathala bago maging epektibo at maipatupad sa bansa.

“If it is a criminal nature which has penal sanctions, it should be published in the Official Gazette, that is the official publication. If you fail to do that, there is no law at all because then you cannot claim that ignorance of the law excuses no one,” ani Duterte.