Ni Marivic Awitan

MATAPOS makatikim ng pagkakataong makalaro sa semifinals, itinaas na ni NLEX coach Yeng Guiao ang target para sa susunod na conferences na sasabakan ng kanyang Road Warriors.

Bagamat nabigo sa kamay ng Magnolia sa kanilang unang semifinals stint, nais ng Road Warriors na maduplika o kung kakayanin ay higitan pa ang kanilang maabot sa darating na second conference.

Kung si Guiao ang masusunod, hindi lamang semis ang kanilang tatargetin sa darating na Commissioners Cup kung saan makakatulong nila ang dating NBA player na si Arnett Moultrie bilang import.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

“Of course we’re hoping to do that (being a title contender next time),” pahayag ni Guiao pagkatapos ng natamong 89-96 na pagkabigo noong Martes ng gabi sa Game 6 ng semifinals series nila ng Hotshots.

“You know you made the semis, now anything less than the semis, parang hindi ka satisfied,” aniya.

“So naramdaman mo na ano yung feeling, alam mo rin what it takes to win it, so you feel you have a better chance, your confidence is higher, so susubukan namin ulit na makarating dito, at baka sakaling swertehin pa.”