GREAT MILLS (AFP) – Isang 17-anyos na estudyante na armado ng handgun ang namaril at malubhang nasugatan ang babae niyang kaklase sa Maryland high school nitong Martes, ilang araw matapos ang nationwide march ng mga estudyante para sa gun control.

Kinilala ni St. Mary’s County Sheriff Tim Cameron ang suspek na si Austin Rollins, na namatay sa tama ng baril matapos rumesponde ang school security officer sa Great Mills High School sa southern Maryland.

Hindi pa malinaw kung tinamaan ng security officer si Rollins o nagpakamatay ito.

Ayon kay Cameron, inilabas ni Rollins ang dala nitong Glock semi-automatic sa pasilyo ng eskuwelahan bago magsimula ang klase at binaril ang 16-anyos na babaeng karelasyon nito.

National

₱6.352-trillion proposed nat’l budget sa 2025, lalagdaan ni PBBM sa ‘Rizal Day’ – PCO

“There was a relationship prior to this event,” sinabi ng sheriff. “As to how that shaped this event, we’ll have to determine.”

Isa pang 14-anyos na lalaking estudyante ang binaril din, ngunit ligtas na sa ospital.

Inilarawan ni Maryland Governor Larry Hogan ang Great Mills shooting na “tragic” at nangakong magbubuhos ng pondo para sa seguridad sa eskuwelahan