NAKATUTOK si Cabuyao, Laguna top player Alexandra Sydney Paez, Grade 8 Student ng Colegio De San Juan de Letran-Calamba sa pagtulak ng 2018 National Executive & Kiddie Chess Championships sa Abril 7, 2018 (Sabado) na inorganisa ng Philippine Executive Chess Association (PECA) sa magiting na pamumuno ni PECA president Atty. Cliburn Anthony A. Orbe at gaganapin sa Activity Area, Vista Mall, Santa Rosa, Tagaytay Road, Barangay Don Jose, Sta. Rosa City, Laguna.

Ang 13-year-old Alexandra Sydney ay anak ni Philippine Executive Chess Association (PECA) Public Relation Officer (PRO) Dr. Alfredo “Fred” Paez na tumapos ng runner-up place sa 2018 National Age-Group Chess Championships (Visayas Leg) na ginanap sa City Mall, Kalibo, Aklan nitong Enero 27-28, 2018.

Si Alexandra Sydney na pambato ni Cabuyao City Mayor Mel Gecolea ang nagkampeon din sa 26th Golden Mind Chess Tournament (Under-14) na ginanap sa EBR Building, Tagumpay Canteen, Tagumpay Supermarket, Lipa City, Batangas nitong Pebrero 4, 2018. Siya ay tumapos ng perfect 7.0 puntos sa pitong laro.

Makakasama ni Alexandra Sydney sa kampanya sa 2018 National Executive & Kiddie Chess Championships sa Abril 7, 2018 ay sina 9-years-old Webster Lagera na Cabuyao City Kiddie Champion mula Cabuyao Central Elementary School at 13-years-old Oryza Reign Repato na Qualifier sa 2018 Batang Pinoy Finals na produkto din ni Cabuyao City Mayor Mel Gecolea.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Ang iba pang kalahok ay sina Wayne Diaz Ruiz ng Marie Margarette School, Kaye Lalaine Regidor ng Dila Elementary School, King Whishley Puso ng Dila Elementary School, Kasandra Flores ng SRES Central II,Jyrus Galletes ng SRES Central III at EJ Caravalle ng J -Ten School.

Tampok din ang mga pambato ng Saint Michael College of Laguna Players na sina Ayanna Nicole Usma, Mark Gabriel Usman, Jan Paulo Dalicano, Joshua Brix Guillermo, Trishia Ann Paez ng Canossa School, Zander Juan ng Canossa School, Clifford Bernardo of Science & Technology School of Sta Rosa, Criswen Falamig ng San Pablo City at Eowyn Jullado ng Tayabas, Quezon.