PARIS (Reuters) – Ipapahayag ng France ang serye ng mga hakbang laban sa sexual violence sa Miyerkules, kabilang ang on-the-spot na multa para sa harassment sa lansangan at pagpapalawig sa deadline para sa paghahain ng reklamong rape.
Sinabi ni President Emmanuel Macron na nilalayon ng panukala na tiyakin na “women are not afraid to be outside.”
Sa ilalim ng panukalang batas, kailangan pang aprubahan ng parliament, ang under-age victims ng rape ay maaaring magsampa ng reklamo hanggang sa edad edad 48, pinahaba ang deadline ng 30 taon matapos silang tumuntong sa edad na 18, mula sa 20 sa kasalukuyan.
Itatakda rin ng batas na sa edad na 15 - ipinapalagay na ang isang indibidwal ay hindi sumang-ayon na makipagtalik sa taong nasa edad 18 pataas. Padadaliin age of consent ang prosekusyon sa rape, ayon kay Gender Equality Minister Marlene Schiappa.
Isa sa agaw-pansin na aspeto ng panukala ang planong patawan ng multa ang sexual harassment sa kalye. Babayaran ito on the spot ng offenders, mula 90 euros hanggang 750 euros ($110-$920) o mas mataas pa para sa repeat offenders o sa kaso ng aggravating circumstances.
Ipapakilala din ng panuka ang mas mabigat na parusa sa sexual harassment sa online.