Ni PNA

SISIMULAN na sa susunod na buwan ang konstruksiyon ng Limahong Channel Tourism Center (LCTC) sa Pangasinan, sa pondong P30 milyon mula sa Department of Tourism (DoT).

Ayon kay Pangasinan 2nd District Rep. Leopoldo Bataoil, ang LCTC ay magkakaroon ng tourism center at ng river cruise terminal.

Aniya, magkakaroon din ang center ng esplanade complex kung saan makikita ang Agno River.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ito ay itatatag upang ibida ang makasaysayang ng lugar, dagdag niya.

Sinabi ni Bataoil na inilunsad niya ang LCTC “in the hope of enhancing the beauty of Pangasinan and its rich history, which would evoke a pinch of history and would even more stimulate local and foreign travelers to visit the place, which was earlier declared as a tourist spot”.

“Why won’t we come up with something like the Lubok River Cruise of Bohol here in Lingayen since there is a historical value of the place,” he said, noting the great impact of Bohol’s river cruise in tourism.

Ang pagkilala sa Limahong Channel bilang tourist spot sa Pilipinas ay inaprubahan ng Kamara de Representantes noong nakaraang taon.

Bukod diyan, sinabi ni 2nd District Engineer Rodolfo Dion, ng Department of Public Works and Highways, na sisimulan na ang bahagi ng proyekto, na kinapapalooban ng pagbuo ng river cruise dock, sa susunod na buwan.