Mula sa Mashable

KAPAG hindi abala sa pagsagot sa trolls sa Twitter, gusto ni J.K. Rowling na makipag-ugnayan sa kanyang fans.

Matatandaan na noong Mother’s Day at Pasko ay naglaan siya ng oras upang makipag-usap sa mga taong nag-tweet sa kanya na humihingi ng tulong o payo.

J.K

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ginawa niya ulit ito nitong Lunes nang mag-tweet ang isang Harry Potter fan ng pagpapasalamat sa kanyang mga libro, at sinabing ito ang paraan para matakasan nito ang depresyon.

“Dragging myself through another bout of severe #depression and re-reading the #HarryPotterseries to strengthen my Patronus. A million thanks to @jk_rowling for the magical escape that’s always there when it’s needed ❤,”tweet ni Sally Burns.

Wala pang 20 minuto ay sumagot sa kanya si Rowling.

“Those stories saved their author, too. Nothing makes me happier than to think that they went out into the world to do the same for other people. Keep that Patronus powerful,” sagot ni Rowling sa kanyang tagahanga.

Kalaunan, tinanong ng fan si Rowling kung aling libro ang kanyang babasahin kapag nahaharap sa mga pagsubok sa buhay.

“I grew up with your stories and they’ve always helped me through tough times, but besides the stories of your own making, I can’t help but to wonder which ones you turned to when going through a tough time yourself,” sabi ng fan.

“To tell you the truth, when I’m really stressed or overwhelmed I turn to biographies of people who’ve led turbulent lives. I find it soothing and inspiring to read about people who’ve endured and overcome,” sagot ng awtor.

Napakasarap naman talagang magbasa ng libro.