Ni Marivic Awitan
Mga Laro sa Sabado
(Filoil Flying V Center)
8:00 n.u. -- FEU vs UE (M)
10:00 n.u. -- Ateneo vs UP (M)
2:00 n.h. -- FEU vs UP (W)
4:00 n.h. -- UE vs. La Salle (W)
SUMALO sa ikalawang puwesto ng men’s standings ang season host Far Eastern University nang pataubin ang University of the Philippines sa straight sets, 25-22, 25-20, 25-21, kahapon sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP Season 80 volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.
Ang panalo ang ikawalo ng Tamaraws na nagtabla sa kanila sa defending champion Ateneo de Manila sa second spot taglay ang markang 8-2, kasunod ng nauna ng semifinalist National University na may mas mataas na kartadang 9-1.
Nagtapos kapwa na may tig-13 puntos sina Jude Garcia at Redjohn Paler na may dagdag pang tig-8 digs at excellent receptions, ayon sa pagkakasunod upang pamunuan ang nasabing panalo.
Naging malaking bentahe ng Tamaraws ang kanilang attacks kung saan nagposte sila ng 12 puntos na lamang, 45-33 gayundin ang kanilang blocking, 12-6.
Nakabawi lamang ang Maroons sa service matapos umiskor ng lima habang na-zero naman ang Tamaraws.
Dahil sa kabiguan, bumaba naman ang UP na pinangunahan ni Wendell Miguel na mayroon ding 13-puntos, sa 3-7.
Sa ikalawang laban, winalis ng De La Salle ang University of the East,25-23, 25-17, 25-15 upang makabalik sa winning track at pumatas sa fourth spot ng standings.
Nagtala ng 16 attack points at tig-isang ace at block upang pangunahan ang Green Spikers sa pagangkin ng ika-4 nilang panalo kontra 6 na talo na nagtabla sa kanila sa Adamson at sa susunod nilang katunggaling University of Santo Tomas sa ika-4 na puwesto.
Nanatili namang walang panalo ang Red Warriors matapos ang sampung laban.