Mula sa Entertainment Tonight

UMAASA si Cardi B na mas lumawak pa ang saklaw ng #MeToo movement.

Pinuri ng 25 taong gulang na rapper ang paglaganap ng equality campaign sa Hollywood dahil sa #MeToo at Time’s Up movements sa panayam ng Cosmopolitan – ngunit sinabi niya na hinihintay niyang makaabot ito sa kababaihan sa hip hop.

Ayon kay Cardi, na hindi nahihiyang aminin sa publiko ang kanyang nakaraan bilang stripper, mas karapat-dapat na tumanggap ng respeto bilang mga babae ang mga kagaya niyang isinaalang-alang ang kanilang pagkababae upang kumita ng pera, kaysa sa mga babaeng hindi nakaranas nito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“People say, ‘Why do you always got to say that you used to be a stripper? We get it,’” aniya. “Because y’all don’t respect me because of it, and y’all going to respect these strippers from now on.”

“A lot of video vixens have spoke about this and nobody gives a f**k,” sabi niya sa #MeToo movement tungkol naman sa industriya ng musika. “When I was trying to be a vixen, people were like, ‘You want to be on the cover of this magazine?’ Then they pull their d**ks out.”

“I bet if one of these women stands up and talks about it, people are going to say, ‘So what? You’re a ho. It don’t matter,’” dagdag pa niya.

At para sa mga lalaking nagpakilala na sumusuporta sa #MeToo, hindi ito masyadong binili ni Cardi. “These producers and directors, they’re not woke, they’re scared,” giit niya.

Kamakailan ay nagsalita ang Bartier Cardi rapper tungkol sa highs at lows ng kanyang bagong buhay sa mata ng publiko, at ibinunyag niya sa CR Fashion Book Issue 12 na siya ay “a little bit happier” bago pa man sumikat.

“Well, one positive thing (about fame) is that, my family, whatever they want, they get,” paliwanag niya.

“Everything that I want to buy, I can get. I don’t have to worry so much about my future.”

“I had less people who had opinions about my life,” she said. “I felt like my life was mine. Now I feel like I don’t even own my life. I feel like the world owns me.”