Mula sa Yahoo Entertainment

Nagbahagi ang I Am Cait star, 68, ng graphic photo ng kanyang mukha nitong Martes, makaraang sumailalim sa procedure upang alisin ang “sun damage” sa kanyang ilong. Sa larawan, nakasuot si Caitlyn ng puting robe at walang make-up. Mapula at namamaga pa ang dulo ng kanyang ilong.

Caitlyn copy

Bagamat hindi niya binanggit ang C word, napag-alaman ng Tahoo Entertainment na sumailalim ang transgender activist sa procedure upang alisin ang basal cell carcinoma, ang pinakakaraniwang uri ng skin cancer.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ayon sa Mayo Clinic website, halos lahat ng basal cell carcinomas ay “thought to be caused by long-term exposure to ultraviolet (UV) radiation from sunlight.” Ito ay naiiwasan sa pamamagitan ng pananatili sa lilim at sa paggamit ng sunscreen. Karaniwan itong nagagamot sa pamamagitan ng surgery, at creams o ointments na ginagamit para gamutin ang apektadong balat.

Nitong mga nakaraang taon, naging bukas si Hugh Jackman sa pakikipaglaban sa basal cell carcinoma. Noong 2017, sumailalim siya sa operasyon para sa ikaanim na cut sa kanyang ilong. Ilang beses na siyang nagbahagi ng mga larawan na kahalintulad ng ipinakita ni Jenner – ngunit lagi siyang mayroonng bandage sa ilong. “It is skin cancer but the least dangerous form of it. So it’s just something I have to get out,” aniya sa Kelly Ripa nitong nakaraang taon, at sinabing mahalaga na magkaroon ang mga tao ng regular na check-up sa kanilang dermatologist.

Si Jenner, na nagpahayag ng kanyang transition noong 2015 kasunod ng hiwalayan nila ni Kris Jenner, ay mayroong makeup line sa M.A.C., na “continues her mission of sharing her transition with the world, championing all ages, all races, and all sexes.”

Ang kanyang mga anak na sina Kendall at Kylie Jenner ay wala pang komento hinggil sa pahayag ni Caitlyn.