Ni Lesley Caminade Vestil

LAPU-LAPU CITY - Tatlong insidente ng sunog ang naitala ng Cebu-Bureau of Fire Protection (BFP) sa loob lamang ng dalawang araw.

Ang ikatlong insidente ay naganap sa Barangay Basak, Lapu-Lapu City kung saan aabot sa 1,000 residente ang naapektuhan nitong Martes, dakong 3:00 ng hapon.

Sinabi ni Fire Officer 1 Dennis Bacalso, ng Lapu-Lapu City BFP, na tumagal ng dalawang oras bago naapula ang sunog.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sumiklab, aniya, ang sunog sa bahay ng isang Federico Degamo at mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay.

Isinisi sa electrical loose circuit ang insidente.

Nitong Biyernes, sumiklab din ang isang sunog sa Sitio Paradise, Kitchen, at Camansi sa Barangay Pajo, Lapu-Lapu City, na ikinaabo ng 300 bahay.

Matapos ang ilang minuto, isa ring sunog ang sumiklab sa Sitio Humay-humay sa Bgy. Gun-ob sa Lapu-Lapu City at tatlong barung-barong ang natupok.