Ni Jun Ramirez

Binalasa ni Commissioner Caesar R. Dulay ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang halos 80 pangunahing field officials sa buong bansa kasama na ang revenue district officers (RDO) at collection division chiefs.

Inilabas ng BIR chief ang bagong travel assignment orders matapos ang mga naunang balasahan nitong mga nakalipas na linggo at buwan para palakasin ang tax collection campaign at makalikom ng mahigit P2 trilyon ngayong taon.

Kabilang sa RDOs na binigyan ng bagong assignment sina Mahinardo Mailig mula Muntinglupa ay inilipat sa East Makati, Ignacio Camba mula North Nueva Ecija sa Muntinglupa, Rey Manalili mula Lucena City sa Plaridel, Bulacan, Vicente Gamad mula Palawan sa Intramuros, Renato Ruiz mula Marikina City sa Cubao, Amparo Duque mula sa pagiging hepe ng VAT credit division sa RDO Marikina.

Tsika at Intriga

4th Impact pumalag na sinabi raw nilang sila ang Blackpink ng Pinas, nilait ang BINI

Sina Luis Alberto mula Cainta sa San Pablo City, Ray Geli mula San Pablo City sa Cainta, Arnulfo Galapia mula Vigan City sa South Quezon City, Vicky Reinante mula South Quezon City sa South Makati, Benjamin Virtucio, Jr. mula Trece Martirez City sa Cabanatuan City at Simplcio Cabantac, Jr mula Tarlac sa Trece Martirez.

Ang bagong collection chiefs ng Metro Manila revenue regions ay sina Ricky Gatchalian para sa Manila, Marivic Tulio sa Quezon City, Alice Gonzales sa Makati at Alicia Palmaria sa Caloocan.