Ni Dhel Nazario

Apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang inaresto ng District Drugs Enforcement Unit ng Southern Police District (DDEU-SPD), sa buy-bust operation sa Taguig City nitong Martes.

Kinilala ang mga suspek na sina Dennis Ditchie, 40; Patrick Cruz, 18, kapwa construction worker; Odin Blah, 35, karpintero; at Trisha Cruz, 18, pawang ng Frevida Sreet, Purok 2A, Barangay New Lower Bicutan ng nasabing lungsod.

National

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar

Base sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng DDEU sa No. 42 Frevida St., Purok 2A, sa Bgy. New Lower Bicutan, dakong 5:00 ng madaling araw.

B i n e n t a h a n uma n o n g mga suspek ng shabu, na nagkakahalaga ng P2,000, ang pulis poseur buyer.

Narekober sa mga suspek ang 11 pakete ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P30,000; at P2,000 buy-bust money.

S a s amp a h a n a n g mg a suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).