HINDI lamang tourist destination ang Siargao, bahagi na rin ang lalawigan sa nagsusulong ng grassroots development program bilang pakner ng Philippine Sports Commission at Philippine Sports Institute.

matugas

Binigyan-pansin ni Surigao del Norte First District Representative Francisco Jose Matugas II (1st Dist.–Surigao Del Norte) ang pagsusulong ng sports para sa kabataan sa isinagawang Siargao Children's Games festival. Ang Children’s Game – sentro ng programa sa adminsitrasyon ni PSC Chairman William Ramirez – ay kinikilala ng United Nations Educational and Scientific Organization (UNESCO).

Nakatuon sa mga kabataan na may edad 12 pababa, kabuuang 500 kabataan sa Siargao ang nakiisa sa programa kung saan sumabak sila sa iba’t ibang traditional sports tulad ng Suot Lusot, Karirang Takbo, Tug of War, Karirang Talong at Bingo Went to Town.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Sa kanyang mensahe sa opening ceremony ng festival, ikinagalak ni Rep. Matugas ang programa na aniya’y nagbukas sa kamalayan ng kabataan na maging masaya sa paglalaro ng mga ‘Pinoy Games’ na unti-unti nang nawawaglit sa isipan ng mga kabataan.

“The Children’s Games are not necessarily intended to promote competitiveness but more of developing synchronicity and group efforts while playing the games passed unto us by our older generations,” pahayag ni Matugas.

Aniya, ang konsepto ng Children’s Game ay sapat na upang mapalawig ang kaisipan ng ga kabataan at maihanda ang kanilang pangangatawan sa pagsuong sa mas mataas na level ng sports tulad ng surfing, game fishing, basketball, at football na pawang popular sa Siargao.

“Apart from the priceless joy that you see in their faces while playing the games, you can already spot some potentials in terms of footwork, cohesiveness and teamwork in some of the children,” pahayag ni Matugas.

Iginiit ni PSC director for Mindanao Pocholo Elegrino na ang isinagawang Siargao Children’s Games ay tagumpay at “one of the most well-organized so far”.

Nitong nakalipas na taon, kinilala ng UNESCO ang Children’s Game bilang pamamaraan upang mapataas ang ‘values formation’ ng mga kabataan na magagamit para kaunlaran ng mga mamamayan.

Binigyan diin ng UN ang programa na natataging government agency-initiated program sa mundo kung saan napagkakaisa ang Indigenous People, Christians at Muslims at nagagamit ang sports sa pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa.