Ni Lyka Manalo

TAYSAN, Batangas – Nakabigti ang isang preso nang matagpuan ng mga kakosa nito sa loob ng palikuran ng kanilang selda sa Taysan, Batangas, nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Rolando Collado, 60, residente ng Barangay Pag-asa sa naturang bayan.

Probinsya

69-anyos senior citizen, timbog sa iligal na droga

Sa report ni SPO3 Christopher Zaraspe sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), natagpuan ni John Kevin Dela Roca, isa ring preso, si Collado na nakabigti sa bintana ng palikuran, dakong 4:20 ng madaling araw.

Isinugod pa sa Mahal na Virhen Maria District Hospital ang biktima ngunit huli na ang lahat.

Inaalam na kung may naganap na foul play.