Ni REGGEE BONOAN

PAMINSAN-MINSAN, nare-reveal ang breeding o character ng mga artista sa mga sitwasyong hindi sinasadya. Tulad ni Iza Calzado na lalo naming hinangaan at inirespeto pagkatapos ng interbyuhan namin na naging taklesa na naman kami.

iza copy

Nakausap namin sa National Breakfast Day ng McDonald’s sa Madison Street, Greenhills San Juan City nitong Lunes ang isa sa prime talents ni Noel Ferrer at hiningan ng komento hinggil sa hindi niya pagkakasali sa nominees for best actress sa Eddy’s Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). (Bagamat nominado naman sa kategoryang best visual effects ang pelikulang Bliss ni Iza under TBA Studios.)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Hindi ko nga alam ano ba ang premise nu’n?” nagtatakang sabi ng aktres. “Ano ba ‘yun? Ano ba ‘yung Eddys? Baka kaya hindi ako na-nominate kasi hindi ko alam kung ano ‘yun? Sorry po hindi ako updated, ano po ba ‘yung Eddys?”

Binanggit namin na bagong award-giving body ito na binubuo ng entertainment editors. Ang limang nominado for best actress ay sina Sharon Cuneta (Unexpectedly Yours), Mary Joy Apostol (Birdshot),Joanna Ampil (Ang Larawan), Bela Padilla (100 Tula Para Kay Stella) at Alessandra de Rossi (Kita Kita).

“Siguro it’s their prerogative. Why will I get mad? It’s their call. I would like to be nominated, baka they didn’t find my work worthy enough, everybody naman is worthy. Or maybe it’s their criteria it didn’t fit? Baka gusto nila wholesome, eh, hindi wholesome ‘yung Bliss.

“I don’t know, sana somebody could tell me and would love to understand why, but it’s not like I would get mad for that. Again, it’s their prerogative. Sana next time, kasama na ako.”

Hirit namin, baka sa gagampanan niyang lesbian lover sa kanyang IdeaFirst project for Cinemalaya 2018 ay mapansin na siya ng SPEEd.

“Ah, oo nga! Eh, lesbian, baka hindi na naman (magustuhan), tingnan natin,” saad ng aktres.

Dadalawa kaming nag-iinterbyu kay Iza, kasama namin ang entertainment editor ng Manila Bulletinna na si Jojo Panaligan na presidente ng SPEEd at nawala sa isip naming na-on-the-spot namin ang dalawa, at hindi rin alam ng aktres na kaharap na niya mismo ang taong namumuno ngayon sa Eddys.

Pagkatapos ng panayam namin ay saka lang namin ipinakilala sa isa’t isa sina Iza at Jojo, at saka sila nag-usap na hindi na namin napakinggan.

Nakaalis na kami ng venue nang may magsabi sa amin na lukang-luka si Iza sa mga tanong namin dahil nga na-on the spot siya at mabuti na lang maayos ang lahat ng mga sagot niya.

“Nakakaloka si Reggee, mabuti na lang safe lahat ang sagot ko. Na-meet ko na ‘yung presidente ng SPEEd!” kuwento ni Iza sa mga naiwan sa venue.

Humingi kami ng dispensa kay Jojo na nailagay namin sa alanganin at ayon naman sa kanya, “It’s okay, at least nalaman natin ang sagot niya sa hindi niya pagkaka-nominate na hindi siya galit.”

Anyway, masayang naikuwento rin ni Iza na on the works pa ang pelikulang Sangre na pinagbibidahan nila nina Karylle, Diana Zubiri at Sunshine Dizon na sila mismo ang magpo-produce sa direksiyon ni Mark Reyes.

Wala pang maibigay na detalye ang dalaga kung sino ang magdi-distribute pero nabanggit na raw niya ito kay Mico del Rosario ng Star Cinema at hindi pa lang nila nauupuan.

Tungkol naman sa nalalapit nilang kasal ng fiancé niyang si Ben Wintle, hindi pa buo ang entourage kaya wala ring detalye pa.

“Wala pa, all I can say is this year ang wedding, basta ber months,” nakangiting sabi ng aktres.

Pero ang sigurado ay sa London ang honeymoon nilang mag-asawa.

May serye si Iza kasama sina Joshua Garcia at Julia Berretto na dapat sana ay last November or December pa nagsimula ang taping.

“On hold, I don’t know why, so movie projects muna,” nakangiting saad ng dalaga.