Ni Mary Ann Santiago

Wala nang buhay nang datnan ang isang mamamahayag sa loob ng kanyang bahay sa Pasig City, nitong Lunes ng gabi.

Patuloy na inaalam ng awt o r idad ang s anhi ng pagkamatay ni Jeffrey Tiangco, nasa hustong gulang, reporter ng People’s Journal.

Sa ulat ng Pasig City Police, natagpuan ang bangkay ni Tiangco sa loob ng kanyang bahay sa Rizal Public School Teachers Association (RPSTA) Building, na matatagpuan sa Oranbo Drive, Barangay Oranbo ng nasabing lungsod, dakong 6:30 ng gabi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa pahayag ni Marino Calibara, building administrator, kinatok niya ang pinto ng silid ng biktima ngunit hindi ito sumagot, kaya agad siyang humingi ng tulong sa mga tauhan ng Barangay Security Force (BSF) ng Bgy. Oranbo at Police Community Precinct (PCP) 10.

Puwer sahang binuksan ng awtoridad ang silid ng mamamahayag at tumambad ang bangkay nito sa ibabaw ng kama.

Ayon sa mga pulis, posibleng inatake ng sakit ang biktima dahil nagkalat ang gamot nito sa kama.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.