Ni Nitz Miralles

VERY proud si Jason Abalos sa pagiging 1st runner-up ng girlfriend na si Vickie Marie Rushton sa Bb. Pilipinas 2018.

jason_vickie

Post ni Jason sa Instagram pagkatapos ng coronation night: “Simula pa lang talaga si #binibini1 na ang bet ko sa #binibiningpilipinas2018 eh. Congrats baba, so proud of you, ang galing mo, nagulat ako na ganon ka pala ‘pag nasa stage na, sobrang nakakakaba. Hindi madali ang training na pinagdaanan n’yong lahat ng ilang buwan, lahat kayo deserving sa crown pero gano’n talaga konti lang ang puwedeng ibigay:) sa mga nanalo nasa inyo suport namin, laban Pilipino:) kain na tayo baba haha.”

Tsika at Intriga

Maris Racal umamin na bakit may twinning shoes sila ni Anthony Jennings

Ang sagot ni Vickie, “Thank you baba:) thank you sa support and tara kain na tayoooo! Koreaaaan! Haha!”

Samantala, naikuwento ni Jason na nanonood ng The One That Got Away si Vickie at natutuwa sa tambalan nila ni Rhian Ramos. Walang dapat ikabahala si Jason dahil hindi nagseselos si Vickie sa sweetness at pampakilig nila ni Rhian.

Masusubaybayan na ni Vickie ang TOTGA gabi-gabi dahil tapos na ang Bb. Pilipinas. Namumurublema ang karakter ni Jason sa show na si Gael kung magma-migrate sa Canada o mananatili sa Pilipinas.