Ni Leonel M. Abasola

Kailangan ng maliliit na negosyante ang suporta ng pamahalaan upang makapag-umpisa sa kanilang kabuhayan.

Ayon kay Senador Bam Aquino mahalaga na mapalakas ng suporta sa entrepreneurs lalo na sa tinatawag na startup businesses, matapos lumitaw sa isang pag-aaral na ang Pilipinas ikalawang “unfriendly” na bansa para sa startups sa 12 pinakamalaking ekonomiya sa Asia-Pacific region.

Muling nanawagan si Aquino sa pagsasabatas ng Senate Bill No. 1532 o ang Innovative Startup Act, na siya ang principal sponsor at author bilang chairman ng Committee on Science and Technology. Nakapasa na sa ikalawang pagbasa ang nasabing panukala.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'