Ni ROMMEL P. TABBAD

Ipinag-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Dimple Star Bus na ipa-drug test ang mga driver at konduktor ng kumpanya kasunod ng pagbulusok sa bangin ng isang bus nito na ikinasawi ng 19 na katao sa Sablayan, Occidental Mindoro nitong Martes ng gabi.

Aabot naman sa 21 ang nasugatan sa aksidente.

Bukod dito, inatasan din ng ahensiya ang kumpanya na isuko ang mga licensed plate ng 10 bus nito, na 30 araw na sinuspinde, upang tuluyan nang hindi makabiyahe.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Kabilang sa mga plaka ay ang mga sumusunod:

TYU-707, TYU-708, TYU-789, TYU-807, TYU-909, TYZ-700, TYZ-800, TYZ-801, TYZ-881, at PTO-367.

Hindi muna pinapayagang bumiyahe ang mga ito sa kanilang rutang Sampaloc (Manila)-San Jose, Mindoro (at pabalik).

Inobliga rin ang kumpanya na isailalim sa seminar training ang kanilang mga driver at konduktor upang hindi na maulit ang trahedya.