Ni NORA CALDERON

NAGBABALIK ang musical-reality competition show na Lip Sync Battle Philippines para sa third season simula sa April 1, Linggo. Muli itong iho-host nina Michael V at Iya Villania.

Michael V at Iya copy

May pagbabago sa mga sasali sa competition. Kung dati ay dalawa lang ang magkalaban, ngayon ay may 3-way at 4-way competition na. Puwede ring sumali ang mga nag-compete na sa first at second season, pero kailangang iba na ang kanilang ka-partner.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Excited ako kasi sinala talaga namin ‘yung mga battlers ngayon at magkakaroon ng bagong battles,” sabi ni Bitoy.

“So ang masasabi ko talaga, mas aabangan ito kasi ‘yung mga napiling battler, ready talaga sila.”

“I am just happy to be working with Kuya Bitoy because you know, he is very approachable and friendly at lahat ng galaw ko sa set, he is there to help and assist me, so hindi talaga ako nahihirapan,” sabi naman ni Iya.

Nang matapos ang second season ay preggy siya sa anak na si Primo at ngayon ay four months on the family way ulit siya, kaya pabirong sabi ni Bitoy, “Gusto naming i-retain ang same atmosphere kaya nagpabuntis siya.”

Sinu-sino ang gusto nilang maglaban-laban ngayon?

“Open kami na maging magkalaban ang AlDub, si Alden (Richards) kasi ang nag-open ng first season at sana mabigyan nila ng time sa busy schedule nila.”

Hindi nagkamali sina Bitoy at Iya, dahil nang ma-ipost ang tungkol sa Lip Synch Battle Philippines, marami ang nag-request na imbitahan ng show sina Alden at Maine Mendoza. May nagri-request din na imbitahan sina Tom Rodriguez at Carla Abellana, at sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Gustong imbitahan ni Iya sina, “Tita Mel (Tiangco) at Sir Mike (Enriquez). Naku, baka tanggalin ako ni Tita Mel sa ‘Chika Minute’ ng 24 Oras.”

“Ako naman dream ko talaga sina Atty. Felipe Gozon at si President Rodrigo Duterte,” natatawang sabi ni Bitoy.

“Dapat corporate ang dating. Dream ko ring maglaban sina President Duterte at Vice President Leni Robredo.”

Si Rico Gutierrez pa rin ang magdidirek ng Lip Synch Battle Philippines. For the latest updates, bisitahin ang kanilang website sa www.GMANetwork.com.