Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY – Inatake sa puso ang isang lalaki nang hindi makayanan ang pambubugbog sa kanyang anak ng apat na katao sa Tarlac City nitong Lunes.

Kinilala ni PO2 Marben Puno ang namatay sa atake sa puso na si Eduardo Santiago, 64, habang ang pinagbubugbog ay si Bernard Santiago, 31, kapwa ng Block 7, Barangay San Vicente, Tarlac City.

Probinsya

69-anyos senior citizen, timbog sa iligal na droga

Napag-alaman na si Bernard ay nagtamo ng grabeng sugat sa ulo at iba pang parte ng katawan at kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Kinilala ang mga suspek na sina Jimmy Liam, 36; Sonny Boy Liam, 38, na kapwa nalambat ng mga tauhan ng Tarlac City Police Station.

Nakatakas naman sina Romeo Castañeda, 35; at Chrisanto Liam, 26, residente rin sa nasabing lugar.

Base sa ulat, pauwi na si Bernard nang harangin at pagbubugbugin ng mga suspek, dakong 10:00 ng gabi.