Ni Marivic Awitan

PINADAPA ng University of the Philippines ang National University,2-0, upang maging unang koponan na umusad sa Final Four round nitong Linggo ng hapon sa UAAP Season 80 men’s football tournament sa Rizal Memorial Track and Football Stadium.

Napanatili ng Fighting Maroons ang malinis na kartada matapos ang panalo na dulot ng mga late goals mula kina JB Borlongan at King Miyagi.

Tila patungo na sa scoreless draw ang laro hanggang sa maipasok ni Borlongan ang unang goal sa 86th minute.Isang minuto matapos ito ay dinoble ni Miyagi ang lamang ng UP mula sa pasa ni Daniel Saavedra.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dahil sa panalo, tumibay ang kapit ng Maroons sa pamumuno sa nalikom nilang 26-puntos.

Sa isa pang laro, ginapi naman ng defending champion Ateneo de Manila University, 2-0 ang University of Santo Tomas upang makalapit sa target na semifinals slot

Sumandig ang second-running Blue Eagles kina reigning MVP Jarvey Gayoso at Koko Gaudiel upang makasiguro ng semis playoff, matapos makatipon ng 25 puntos,.

Naipasok ni Gayoso ang league-best 13th goal sa 13th minute bago ito nasundan ni Gaudiel sa 86th minute.

Nanatili namang may 15-puntos matapos ang patuloy na pagkabalahaw sa second round dalawang puntos ang agwat sa Bulldogs.