PINAYUKO ng Team 90s ang Team 80s, 81-59, sa pagsisimula ng ERJHS Alumni Sports Club Battle of the Generations basketball at volleyball competitions nitong weekend sa Barangay N. S. Amoranto covered courts sa Malaya St.,Quezon City.
Nanguna sa Team 90s sina Jay Santiago,Jerry Santos, Choy Santiago at Daniel Blyzma.
Sa volleyball, naungusan din ng Team 90s ang Team 80s, 25-19, 25-20, 18-25, 25-22.
Naging panauhing pang-dangal si ERJHS Hall of Famer at dating national team coach Dulce Pante sa kompetisyon na itinaguyod din nina Barangay N. S. Amoranto chairman Von Yalong at Kagawad Jonjon Tamayo, Chito Amoranto, Jerome Magallanes, Delia Kabigting, Jun Alba, Jeff Sigua at Joey Ligon.
Si Pante ang gumawa ng ceremonial toss, katuwang si ASC president Ed Andaya ng Batch 81.
Nagpasiklab si Jay Santiago ng Batch 98 sa kanyang game-high 18 puntos para sa Team 90s, na sumandal sa 28-14 bentahe sa third quarter para kumalas sa mahigpitang laro.
Nag-ambag si Santos ng 16 puntos, si Choy Santiago ay may 13 at si Blyzma 12 para Team 90s ni playing coach at Brgy.Paang Bundok kagawad Michael de Castro.
Umiskor si Ronald Carillo ng Batch 85 ng 13 puntos para sa Team 80s, kasunod si Arnold Tanare ng Batch 86 at Jonjon Cano ng Batch 89, na kapwa may 12 puntos; at Alvin Tanare ng Batch 89, na may 10.
Sa volleyball, nag-pakitang gilas sina Mamei Apinado at Teresa Asuncion ng Batch 94 upang pamunuan ang panalo ng Team 90s laban Team 80s.
Nakatulong nila sina Lourdes Reyes, Jocelyn Igarta, Allen Gonzales, Don Bugarin, Rick Boy Pacaldo, Alvin Salazar at playing coach Sherwin Chua.
Nanguna para sa Team 80s sina Trinidad Villanueva, Jing del Rosario, Alvin Estocapio, Roland Doncillo, Vivian Fajatin, Beng Samson, Rixa Alonsagay, Pablo Mananghaya, Ferdinand Anaya at Magdalena Gabriel,
Iskor:
Team 90s (81) -- J. Santiago 17, Santos 16, C. Santiago 13, Blysma 12, R. Nell 6, Duculan 5, Magpantay 4, Baez 4, Cordeta 4.
Team 80s (59) -- Carillo 13, Ar. Tanare 12, Cano 12, Al. Tanare 10, Geolin 4, A. De Guzman 2, Andaya 2, Coronado 2, Y. De Guzman 2.
Quarterscores: 20-17, 33-30, 61-44, 81-59