Ni Gilbert Espeña

PINATULOG ni dating world rated Filipino Neil John Tabanao sa 3rd round ang karibal na si knockout artist Rachan Yageow ng Thailand nitong Sabado para matamo ang bakanteng World Boxing Foundation (WBF) Asia-Pacific super bantamweight title sa Bendigo Exhibition Center in Victoria, Australia.

“A video uploaded on social media shows Tabanao pounding his opponent with left and right hooks before finishing him with a hard right to the jaw,” ayon sa ulat ng Philboxing.com.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ni Tabanao sa knockouts matapos ang tatlong sunod-sunod na pagkatalo sa puntos kina Isaac Dogboe sa Accra, Ghana; Evgeny Smirnov sa Moscow, Russia; at Teiru Atsumi sa Osaka, Japan.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Bago ito, pinatulog ni Tabanao sina Tienchai Sor Kanitson ng Thailand sa Kanazawa, Japan at Aussie boxer Ibrahim Balla sa Bendigo, Victoria, Australia kaya nasungkit ang WBO Oriental featherweight title.

Dati namang WBC ABCO bantamweight champion si Yageow na bumagsak ang kartada sa 25 panalo, 5 na may 20 pagwawagi sa knockouts samantalang gumanda ang kartada ni Tabanao sa 15 panalo, 4 na talo, na may 11 pagwawagi sa knockouts.

Dapat na lalaban din si ex-WBO world bantamweight champion Marlon Tapales sa card na ito ngunit nagkaproblema sa visa ang kanyang karibal na si Rivo Rengkung ng Thailand kaya kinansela ang laban.