Ni Fer Taboy

Sinusuportahan umano ng ibang bansa ang mga terorista ng New People’s Army (NPA) sa pagbili ng kilusan ng matataas na uri ng armas, ayon sa Philippine Army (PA).

Inilabas ni 9th Infantry Division spokesperson Col. Paul Regencia ang pahayag matapos silang makakumpiska ng matataas na kalibre ng baril sa engkuwentro nila sa mga rebelde sa Talisay, Ticao Island sa Masbate nitong nakaraang linggo.

Maliban dito, milyun-milyong halaga rin ng salapi ang nakukuha ng mga rebelde sa kanilang extortion activities.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Ginagamit, aniya, ng mga grupong rebelde ang mga dolyar na padala mula sa ibang bansa sa pagbili ng mga armas upang mapalakas pa nang husto ang NPA.

Ibinunyag din ni Regencia na mayroon din umanong malalaking personalidad na sumusuporta sa nabanggit na underground movement.

Mahigpit na sinusubaybayan ng militar ang mga local supporter ng NPA upang madakip ang mga ito, ayon pa kay Regencia.