Ni Mary Ann Santiago

Para sa paggunita sa Semana Santa, inihayag kahapon ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na apat na araw na hindi bibiyahe ang mga tren ng Light Rail Transit (LRT)-Line 1.

Ayon sa pamunuan ng LRT-1, sasamantalahin nila ang pagkakataon upang magsagawa ng maintenance work sa riles at sa kanilang mga bagon.

Sa advisory ng LRMC, tigil-operasyon ang LRT-1 simula sa Marso 29, Huwebes Santo, hanggang sa Abril 1, Linggo ng Pagkabuhay.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Magbabalik sa normal ang biyahe ng LRT-1 sa Abril 2, Lunes.

Una nang nag-abiso ang Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 na wala itong biyahe simula Miyerkules Santo, Marso 28, hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay.