WALONG batang lalaki at pitong babae mula sa Baguio, Benguet, Dagupan, Pangasinan, Ilocos, Manila, Bukidnon, Davao at Puerto Princesa ang napili mula sa 1,120 campers sa ginanap na North Luzon Regional Selection Camp para sa Jr.
NBA Philippines 2018 na itinataguyod ng Alaska nitong weekend sa Benguet State University.
Napili para makasama sa National Training Camp sa Manila sina Javier Luis R. Jugo, 13, ng La Salle Green Hills; Czarlo Lorenzo V. Salvador, 12, ng Ateneo de Davao University; Adrian Chu Tan, 13, ng Cherished Moments School; Asher M. Vidal, 13, ng Wonderland School; Rodge Aldrich Balbao, 13, ng Alejandro A. Melecio III, 13, ng Bukidnon Faith Christian School; at Alvin T. Collado Jr., 13, at Carl Emmanuel Velasquez, 14, ng Berkeley School sa boys division, gayundin sina Crisciona Ann Bagasani, 12, ng Immaculate Concepcion Academy; Aretha Belgira, 12, ng Saint Joseph College Olongapo City; Tiffany Jolie Lacsamana, 12, ng Palawan State University Laboratory Elementary School; Jhulliana Francesca Pagteilan, 12, ng San Jose School of La Trinidad; Sarah Abigail Sacayanan, 13, ng Saint Louis School Center - High School Department; at Silcia Lee Fuscalbo, 14, at Christine Nicole Venterez, 12, ng Baguio City National High School sa girls division.
Bukod sa kakaibang all-around basketball skills, napili ang 15 players sa naipamalas na character na umaayon sa Jr. NBA core S.T.A.R. values na Sportsmanship, Teamwork, a positive Attitude and Respect sa kabuuan ng camp.
Makakasama ang 15 players sa mga top performer mula sa mga naunang regional camp para sa gaganaping National Training Camp sa Mayo 18-20 sa Manila kung saan pipili ng 16 na magiging miyembro ng Jr. NBA Philippines All-Stars.
Ang huling regional camp ay sa Abril 21-22 sa Don Bosco Technical Institute sa Makati City.
“The kids here are very special as reflected in their passion and commitment to the game,” pahayag ni Jr. NBA Coach Carlos Barroca. “We hope these boys and girls continue working on their craft and look forward to their growth as individuals on and off the court.”