Mula sa Yahoo Entertainment

TULUYAN nang pumasok sa pulitika si Cynthia Nixon at tatakbo siya para gobernador ng New York.

Cynthia copy

Ang aktres, na sumikat sa kanyang pagganap sa Sex and the City, ay opisyal nang sumabak sa pulitika nitong Lunes.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

May kasamang video ang kanyang pahayag, at kasama niya ang kaniyang pamilya, kabilang ang asawang si Christine Marinoni at ang kanilang anak na si Max. (Mayroon din siyang dalawang anak mula sa dating karelasyon.)

Ipinakita sa video ang kanyang kabataan at kung paano siya lumaki sa NYC kasama ang kanyang single mother.

Inilarawan niya ang kanyang sarili bilang “proud public school graduate — and a prouder public school parent.”

“I was given chances I just don’t see for New York’s kids today,” Nixon said in the video. “Our leaders are letting us down. We are now the most unequal state in the entire country — with both incredible wealth and extreme poverty.

Half the kids in our upstate cities live below the poverty line. How did we let this happen?”

Ibinahagi rin ni Nixon ang kanyang plataporma, at sinabi na nais niyang ayusin ang health care at ang sirang subway system, bilang karagadagan sa pagpuksa sa mass incarceration. Binanggit din niyang sa loob ng nakaraang 17 taon, siya ay “fighting for better schools, better health care, and LGBTQ equality.”

At one point, makikitang naglalakad siya sa kalye sa NYC na mayroong kaniyang voice-over: “I love New York. I’ve never wanted to live anywhere else. But something has to change.”

Ang lifelong New Yorker ay naging aktibo sa pulitika nitong mga nakaraang taon. Ngayong buwan lumabas ang ulat na pinag-iisipan niyang tumakbo at bumuo ng grupo, bilang paghahanda sa kanyang pagtakbo bilang governor.

Nagsimulang umarte si Nixon noong 12 taong gulang siya at nagsimula sumikat nang husto, kasama sina Sarah Jessica Parker, Kristin Davis, at Kim Cattrall sa Sex and the City noong 1998 hanggang 2004. Si Nixon, na gumanap bilang Miranda, ay isang abogado, ay lumabas din sa dalawang SATC movies, na mukhang hindi na masusundan (dahil magiging abala na siya sa pulitika). Nagwagi siya ng Emmy sa naturang pagganap — at muling nanalo ng naturang award noong 2008 para sa kanyang guest appearance sa Law & Order: Special Victims Unit. Nagwagi na rin si Nixon ng dalawang Tony Awards para sa kanyang pagtatanghal sa Broadway.