Ni LITO T. MAÑAGO

GUMAWA ng kasaysayan ang pambato ng Bicolandia sa mundo ng beauty pageant nang masungkit ni Catriona Elisa Magnayon Gray(Binibini #20) ang highest title bilang Miss Universe Philippines sa katatapos na Bb. Pilipinas search sa Smart Araneta Coliseum nu’ng Linggo ng gabi, March 18.

Miss Universe Philippines 2018: #20 Catriona Gray

Miss Universe Philippines 2018: #20 Catriona Gray

Catriona bested 39 other beauties mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Taong 2016 nang koronahan ang Filipino-Australian beauty bilang Miss World Philippines at naging kinatawan sa 66th edition ng Miss World pageant sa MGM National Harbor, Washington, D.C., United States noong December 18, 2016.

Pumasok si Catriona sa Top 5 ng Miss World 2016 mula sa 117 beauty delegates at ang pambato ng Puerto Rico na si Stephanie del Valle ang kinoronahan.

That time, sinasabing siya ang dapat na nanalo ng title bilang Miss World 2016 sa ganda ng kanyang sagot sa final Q&A at sa napakalakas na presence niya sa entablado. Unluckily, laglag siya sa Top 3 at umuwing luhaan.

Fast forward to 2018, two years after her first major crown as Miss World 2016. Sa simula pa lang ng selections ng 56th edition ng Bb. Pilipinas, marami ang nag-abang kung pagbibigyan ni Catriona ang kahilingan ng marami niyang supporters na sumali siya. Naging buzz ang pagsali niya at hinulaan ng karamihan sa pageant enthusiasts at iba’t ibang internet beauty pageant sites na isa si Catriona sa posibleng mag-uwi ng major title.

Nagkatotoo nga ang hula ng majority ng mga Pinoy na mahilig sa beauty pageants. Ang daragang magayon (magandang dalaga) mula sa Oas, Albay ay itinanghal na Miss Universe-Philippines, bukod pa sa special awards na hinakot niya tulad ng Miss Bilena, Best in Long Gown at Best in Swimwear.

Nagmula sa US Ambassador to the Philippines na si Sung Kim ang final question na nagpanalo sa kanya. “After the devastating war, Marawi is now on its way to recovery. What is your message to the young women of Marawi?”

Ang winning answer ni Catriona. “My answer and message to the women (of Marawi) is to be strong. As women, we are the head of the household. And, we have amazing influence not only (on) our own families – as mothers, sisters, and friends – but also (on) our community. If we could get the women to stay strong and be that image of strength for the children and the people around them, once the rebuilding is complete, the morale of the community will stay strong and high.”

Ngayong taon, nakatakdang maging kinatawan ng ating bansa si Catriona sa Miss Universe pageant na gaganapin sa December.

Ang iba pang mga nagwagi sa katatapos na Bb. Pilipinas 2018 ay sina Samantha Bernardo (2nd runner-up), Vickie Marie Milagrosa Rushton (1st runner-up), Michele Gumabao (Bb. Pilipinas-Globe),Karen Gallman (Bb. Pilipinas- Intercontinental), Eva Patalinhug (Bb. Pilipinas-Grand International, Jehza Hueler (Bb. Pilipinas- Supranational), at Ahtisa Manalo (Bb. Pilipinas-International).