Ni Leonel M. Abasola

Posibleng bawiin na ng Senado sa susunod na linggo ang inilabas nitong arrest warrant laban kay dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Andres Bautista.

Ito ay makaraang mangako ang abogado ni Bautista na isusumite na nila sa Senado ang affidavit ng dating opisyal.

Siniguro ni Atty. Anacleto Diaz na isusumite nila sa Marso 26, 2018 ang affidavit ni Bautista sa Senate Committee on Banks, na pinamumunuan ni Senador Francis Escudero.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa panig ni Escudero, sinabi niyang babawin lamang nila ang arrest warrant kapag natanggap na nila ang affidavit ni Bautista, na hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalantad sa Senado.

Si Escudero ang nagpalabas ng arrest warrant laban kay Bautista matapos na hindi ito dumalo sa mga pagdinig na ipinatawag ng Senado kaugnay ng umano’y ill-gotten wealth ng nagbitiw na Comelec chief.