Ni Alexandria Dennise San Juan

Nauwi sa trahedya ang masayang inuman ng tatlong magkakaibigan matapos na mapisak at mamatay ang isa sa kanila nang biglang gumuho ang sementong pader malapit sa mga ito sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon.

Dead on arrival sa East Avenue Medical Center si Jimmy Alcera, 45, parking attendant, at nakatira sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City, sanhi ng matinding pinsala sa buong katawan.

Nilalapatan naman ng lunas sa Philippine Orthopedic Center ang mga kaibigan ni Alcera na sina Grace Cabigting, 29; at Ronald Anova, 24, truck driver, kapwa kalugar ni Alcera.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District (QCPD), masayang nag-iinuman ang tatlong biktima sa harapan ng isang bahay sa panulukan ng Don Manuel at Biak na Bato Streets sa Bgy. Sto. Domingo, dakong 5:40 ng hapon.

Sa kasagsagan ng inuman, biglang gumuho ang konkretong pader sa kanilang likuran at nadaganan ang tatlo.

Samantala nakikipag-ugnayan ang awtoridad sa may-ari ng gumuhong pader para sa posibleng pananagutan.