Ni Marivic Awitan

KINUMPLETO ng University of Santo Tomas ang 7 ties sweep kasunod ng 3-1 paggapi sa Ateneo de Manila University para tapusin ang kanilang 4-year title drought noong Sabado ng hapon sa pagtatapos ng UAAP Season 80 lawn tennis tournament women’s division sa Rizal Memorial Tennis Center.

Nawala ang senior ace na si Ingrid Gonzales dahil sa injury, nagsagawa ang Tigresses ng kaukulang adjustment sa kanilang line-up na nagkaroon naman ng magandang bunga.

Nakauna pa ang Ateneo matapos talunin ni graduating Khrizelle Sampaton si, UST team co-captain Kendies Malinis sa isang dikdikang straight sets. 6-4, 7-5.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Pinatunayan naman ng eventual Most Valuable Player na si Erika Manduriao na karapat-dapat ang pagkakapili sa kanya bilang panghalili kay Gonzales nang talunin nila ng katambal na si Precian Rivera sina Jana Hernandez at Nicole Amistad, 6-4,6-3 para itabla sa 1-1 ang laro.

Ibinigay ni Monica Cruz ang kalamangan sa UST makaraang payukurin ang eventual Rookie of the Year na si Martina Bautista, 6-2, 6-0 bago sinelyuhan ni co-captain Genevieve Caorte at Danica Bautista ang panalo sa pamamagitan ng 6-3, 6-3, paggapi kina Season 78 Rookie of the Year Jana Pages at Carmen So.

“Lagi na lang kaming runner-up, pero last year pa kami merong chance, kaso kinapos, “ pahayag ng graduating na si Caorte.

“Sobrang saya namin. Matagal na naming inaantay ‘to,” bulalas ni Mandurriao matapos makamit ang panalo.