Ni Edwin G. Rollon

NAKALUSOT man sa kanilang mga kamay ang kampeonato ng LBC Ronda Pilipinas, labis-labis ang kasiyahan ng mga miyembro ng Philippine Army-Bicycology Shop na kinahinatnan ng kampanya sa prestihiyosong cycling marathon sa bansa.

eric

Hindi man nakamit ang minimithi, saludo si Army team manager at Olympian Eric Buhain sa kagitingan na ipinamalas ng bawat miyembro ng team.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Saludo ako. Sa simula pa lamang yung adhikain ng Philippine Army ay nakatuon sa pagbibigay ng dangal sa kanilang kapwa Armymen, karamihan ay napasabak sa mga kaguluhan sa Mindanao kabilang sa Marawi City.

“Nagpapasalamat ako at naging part ng team. I’m very thankful na itinuloy namin yung participation and partnership with Bicycology Shop. Grabe, bawat stage, talagang lumalaban. You can’t imagine how they endured sacrifices and hardship just to win the runner-up in team classification,” pahayag ni Buhain.

“Lahat nag-contribute and sacrifice. Si Pfc. Marvin Tapic sobra ang pain na tinanggap pero para sa team kahit sugat sugat na at black and blue all over and scratches na ang lalalim, pero he still fought for the team up to the last moment sa Stage 11 when another mishap happen during the race,” sambit ni Buhain, dati ring Chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) at Games and Amusement Board (GAB).

“Lahat sila dami endure na pain and sacrifice para sa team. Si Sgt. Merculio Ramos bugbog ang rear buttocks. Si Sgt. Catalan back pains. Si Cpl. Del Rosario sugat sugat. Si Pfc. Cris Joven pain sa legs and cramps na halos pass out siya. Si Sgt. Navarro sa team time trial halos mag-collapse kasi 4 na lang sila.

“They soldiered on,” pahayag ni Buhain.

Hindi matatawaran ang ginawang laban ng Armymen, higit nang muling masangkot sa aksidente sa Tanuan, Batangas sina Pfc. Tapic at Pfc. Solis. Sa kabila ng mga sugat sa katawan, hindi sumuko ang dalawa at pinilit na tapusin ang karera.

“Grabe sunog kami! Kahapon wait namin si PFC Tapic at PFC Solis kasi na aksidente sila sa may Tanauan. Wait kami 1 hour and 30min sa kanila. Kahit na alam namin na over the curfew time na. Wait kami kasi alam namin hindi aayaw ang dalawa,” ayon kay Buhain.

“Ang tindi rin ng support ng Army sa team thru Col. John Divinagracia kasi coordinated sa battalion commanders sa bawat bayan. Dami sundalo cheering our team sa road. Galing!,” aniya.

Bukod sa tapang, ipinamalas din ng Armymen ang pagiging tunay na ‘officer and gentlemen’.

“After the Stage 10, alam namin sa Navymen na ang trono. We immediately congratulate them. Pero, sabi ko sa team, kaht hindi na natin mahahabol yung individual title, laban pa rin tayo para sa overall team classification,” pahayag ni Pfc. Cris Joven, team skipper ng Army-Bicycology.

Tanging ang 26-anyos na si Joven ang nakatikim ng stage win (Stage 3) mula sa koponan, ngunit aniya ang tulong-tulong ng bawat isa a bawat araw ng 12-stage race ay sapat na para mapalaban sila sa overall title.

“We did it. Hindi man namin nakuha ang overall title dahil talagang malakas ang Navy, kami naman ang No.2 team,” sambit ni Joven.

Iginiit niyang magpupursige sila para mas mapalakas ang kampanya sa susunod na taon at handa si Buhain at ang kanyang business partner na si John Garcia na muling umayuda sa Armymen.