Ni Lito T. Mañago

BACK-TO-BACK win ang Pilipinas sa Osaka Asian Film Festival (OAFF) sa Japan. 

Direk Sigrid at Ryza copy

Naiuwi ni Ryza Cenon ang Most Brilliant Performer (Yakushi) Pearl Award para sa  pagganap niya sa Mr. and Mrs. Cruz na idinirehe ni Sigrid Andrea Bernardo sa 13th Osaka Asian Film Festival. 

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Noong nakaraang taon, iniuwi rin ni Iza Calzado ang naturang karangalan para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Bliss ni Jerrold Tarog. 

Bukod kay Ryza, pinarangalan din bilang Most Promising Talent at Best Director si Mikhail Red para sa pelikulang Neomanila.

Ibinalita ito ni Liza Diño- Seguerra, FDCP Chairwoman & CEO, sa Twitter nu’ng Sabado ng gabi bandang 6:19 (PH time). 

Agad namang nagpaabot ng pagbati kay Ryza ang award-winning director na si Jun Lana. Ang Mr. and Mrs. Cruz ay co-production venture ng Viva Entertainment at IdeaFirst Company. 

“Congrats @iamryzacenon and most especially to the brilliant director of #MrAndMrsCruz @sigridbernardo,” shoutout ni Direk Jun sa kanyang Twitter page. 

Sa Instagram naman ni Direk Sigrid, sabi niya, “OMG!!!! Mrs. Cruz wins!! Congrats @iamryzacenon #MrAndMrsCruz #VivaFilms #TheIdeaFirstCompany.”

Kauna-unahang mainstream film ito ni Ryza at first movie rin niya mula nu’ng kumalas siya sa Kapuso Network at pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) na pinamamahalaan ni Veronique del Rosario. 

Bukod sa mga pelikulang Mr. And Mrs. Cruz at Neomanila, naging entry rin sa ilalim ng New Action Southeast Asia category ang Paki ni Giancarlo Abrahan at Love You To The Stars and Back ni Direk Antoinette Jadaone. 

Congrats #TeamPhilippines!