MOSCOW (Reuters) – Landslide ang re-election ni Russian President Vladimir Putin nitong Linggo, pinalawig ng anim na taon pa ang kanyang pamumuno sa pinakamalaking bansa sa mundo.

Sa pagkapanalo ni Putin, paghaharian niya ang politika sa Russia ng halos 25 taon hanggang sa 2024, sa edad na 71 anyos. Si Josef Stalin ang tanging Soviet dictator na namumo nang mas matagal pa kaysa kanysa. Nangako si Putin na gagamitin ang kanyang bagong termino para palakasin ang depensa ng Russia laban sa West at iaangat ang pamumuhay ng mamamayan.

“It’s very important to maintain this unity. We will think about the future of our great Motherland,” ani Putin sa kanyang victory speech malapit sa Red Square.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina