Ni Marivic Awitan

Mga laro ngayon

(JCSGO Gym, Cubao)

12 p.m. - Perpetual vs AMA Online Education

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

2 p.m. - Go for Gold vs Zark’s Burger-Lyceum

Kapwa naghahabol na makasingit sa nalalabing apat na quarterfinals berth, nakatakdang magtuos ngayong hapon para mapalakas ang kani-kanilang tsansa ang Go for Gold -College of St. Benilde at ang Zark’s Burger-Lyceum of the Philippines sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D League Aspirants Cup sa JCSGO Gym sa Cubao.

Magkasunod sa kasalukuyan sa ikalima at ika-anim na puwesto ng team standings magtutuos ganap na 2:00 ngayong hapon ang Jawbreakers (4-4) at ang Scrathcers (4-5) pagkatapos ng unang laro sa pagitan ng University of Perpetual at AMA Online Education ganap na 12:00 ng tanghali.

Nasa bottom 4 ng standings, pipiliting humabol ng Altas( 2-5 ) at ng Titans (1-6) sa nasabing huling apat na puwesto sa playoffs round para makaiwas sa maagang pagbabakasyon.

Ngunit suntok sa buwan na ang tsansa ng dalawang koponan partikular ang AMA na kailangang mawalis lahat ng natitira nilang apat na laban dahil kailangan nilang umasang hindi umabot ng anim na panalo ang mga sinusundang koponan na may tig-limang panalo pababa.

Parehas galing sa kabiguan sa nakaraan nilang laban, unahan namang makabalik ng win column at makamit ang ika-5 nilang kabiguan ang Altas at ang Jawbreakers upang mapalakas ang tsansang makaabot ng susunod na round.

Sa kasalukuyan, dalawang koponan pa lamang ang nakakatiyak ng slots sa quarterfinals sa hawak nilang parehas na markang 7-2, panalo-talo.

Matapos magtala ng tatlong sunod na panalo, bumagsak sa di-inaasahang tatlong dikit ding talo ang Jawbreakers, pinakahuli ang 106-107 na pagkatalo sa kamay ng Gamboa Coffee Mix-St. Clares.

Huli namang natalo ang Scratchers sa kamay ng Wang’s Basketball -Letran noong nakaraang Marso 12.