Ni Beth Camia
Iminungkahi ng Department of Tourism (DoT) sa publiko na maaari ring gawing alternatibong tourist destination ang Northern Mindanao habang isinasailalim sa rehabilitasyon ang Boracay Island sa Malay, Aklan.
Paliwanag ni DoT Regional Director May Unchuan, ipinasya nilang buksan sa mga turista ang nasabing rehiyon upang tuluy-tuloy lamang ang pagdagsa ng mga ito sa bansa.
Dapat aniyang noon pang nagdesisyon ang pamahalaan na i-rehabilitate ang isla dahil dinadagsa ito ng libu-libong turista mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Tinukoy din nito ang kautusan ni DoT Secretary Wanda Teo sa lahat ng regional office ng kagawaran na magsagawa ng on-site tourist inspections upang matiyak na hindi matutulad ang sitwasyon nito sa Boracay Island.