Ni Angelli Catan

Ang sports at beauty pageant ay masasabing magkalayong magkalayo pero pinatunayan ni Michele Gumabao, ang dating La Salle volleyball player at MVP ng Season 75 ng UAAP, na maaaring parehong maging mahusay sa dalawang larangang ito.

Bb. Pilipinas Globe 2018 Michele Gumabao ( L ) recieving her victory crown at Binibining Pilipinas 2018 held in Araneta Collesium. ( Jun Ryan Arañas )

Bb. Pilipinas Globe 2018 Michele Gumabao ( L ) recieving her victory crown at Binibining Pilipinas 2018 held in Araneta Collesium.
( Jun Ryan Arañas )

Kinoronahan kagabi si Gumabao bilang Miss Globe sa 2018 Binibining Pilipinas Coronation Night sa Smart-Araneta Coliseum.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Isang malaking hakbang ang ginawa ni Gumabao mula sa paglalaro ng volleyball hanggang sa pagiging isang beauty queen. Patunay sa dedikasyon niya sa pagsali sa Bb. Pilipinas ang naging sagot niya sa tanong ng broadcast journalist na si Ces Oreña-Drilon sa Q and A portion, “What can you do to fight fake news?”

“I know that fake news is rampant nowadays but, in order to fight this, we must first know what we are reporting, know what we are reading and, at the same time, be accountable for what we say, especially online,” sagot ni Gumabao.

“And I hope that media always filter and use their resources to always deliver the truth and authentic news. Thank you.”

Para kay Gumabao, isa pa rin siyang volleyball player pero dahil sa kanyang pagkakapanalo bilang Bb. Pilipinas Globe 2018 ay ito ang magiging priority niya, sinabi niya sa panayam ng ABS-CBN News.

Si Jehza Huelar, ang fiancé ng Magnolia Ang Pambansang Manok superstar na si PJ Simon, ay kinoronahan bilang Binibining Pilipinas Supranational 2018.

Ang iba pang mga nanalo ay sina Catriona Gray (Miss Universe Philippines 2018) Karen Gallman (Bb Pilipinas Intercontinental 2018), Eve Patalinjug (Bb Pilipinas Grand International 2018), Ma. Ahtisa Manalo (Bb Pilipinas International 2018), Vickie Rushton (1st Runner up) at Samantha Bernardo (2nd Runner up).