Ni PNA

HINIMOK ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo ang publiko na bisitahin ang mga lugar sa Pilipinas na tinukoy ng Department of Toursim na nagsusulong ng pananampalatayang Katoliko, at inilahad ang mga aktibidad na inihanda ng kagawaran para sa Semana Santa sa susunod na linggo.

Kabilang sa mga lugar na binanggit ni Teo ang mga shrine o dambana sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan, na pawang nasa listahan ng mga pangunahing faith destination sa Region 1, kung saan matatagpuan ang Nuestra Señora De La Asuncion, isang UNESCO World Heritage Site.

Para sa mga mananampalataya na makikibahagi sa Visita Iglesia sa Cagayan Valley, sinabi ng kalihim na nag-aalok ng mga tourism package sa rehiyon na nakatuon sa mga relihiyosong paglilibot.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Sa Region 4-B (Mimaropa), inirekomenda ng kagawaran ang pagbisita sa popular na Moriones Tableau, ang siglo nang tradisyon sa Marinduque na itinatampok sa isang linggo ng Semana Santa, kung saan isinasadula ng mga residente ang pagpapahirap at kamatayan ni Kristo.

Tinukoy din ni Teo ang mga kakaibang paraan ng paggunita ng Mahal na Araw sa Western Visayas, partikular sa Bacolod City, Talisay City at Valladolid. Kilala ang Bacolod City sa “Kalbaryo sang Krus,” kung saan sa lansangan isinasadula ang mga pagsasakripisyo ni Hesukristo.

“It is interesting to note that Dipolog City in Western Visayas will be staging its annual Katkat Sakripisyo on Good Friday, a depiction of the passion, suffering and death of Christ in Linabo Peak, where pilgrims will complete the 3,003-step katkat (climb) until the last of the 14 Stations of the Cross,” dagdag ni Teo.

Inirekomenda rin ng kalihim ang pagbisita sa mga makasaysayang simbahan sa Silay City at Cadiz City, at hinihikayat ang pakikibahagi sa Worship Festival, Pamalandong sa Tamborong, at Taltal sa Iloilo at Guimaras.

Inimbitahan din ng kalihim ang mga turista na libutin ang mga dambana at mga simbahan sa Misamis Occidental, Lanao, Bukidnon, at Camiguin sa Northern Mindanao.

“The Sunken Cemetery of Camiguin is a must-see for tourists and pilgrims alike, as well as the St. John the Baptist Church, a known heritage site in Misamis Occidental. The region also celebrates a number of religious festivals for the Holy Week celebration, namely the Feast of the Divine Mercy, Hinuklog, Panaad and Patunob Festival,” sabi ni Teo.