Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Hindi pa tapos si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga aksiyon laban sa International Criminal Court (ICC) at nangakong kukumbinsihin ang iba pang partido ng Rome Statute na iurong na rin ang kanilang membership sa High Court.

Ipinahayag ito ni Duterte sa kanyang pagtatalumpati sa Commencement Exercises ng Philippine Military Academy (PMA) Alab-Tala Class of 2018 sa Baguio City kahapon, ilang araw matapos siyang magpasya na tumiwalag ang Pilipinas sa ICC.

Sa kanyang talumpati, kinilala ng Pangulo na itinatag ng Rome Statute ang ICC upang magsilbing court of last resort kapag tumanggi ang domestic courts ng mga bansang kasapi o hindi kayang resolbahin ang malalalang krimen. Gayunman, sinabi ni Duterte na ang kasunduan na itinaguyod ng European Union (EU) ay sinasagkaan ang soberanya ng bansa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“I will convince everybody now who are under the treaty sa ICC, get out. Bastos ‘yan. It was not a document prepared by anybody, it was EU- sponsored,” ani Duterte.

Ayon kay Duterte, may problema ang Rome Statute sa Pilipinas dahil hindi ito inilathala sa Official Gazette, ang official publication ng gobyerno, matapos mapagtibay noong Agosto, 2011.

Binanggit niya na ang isang batas, lalo na ang criminal law tulad ng Rome Statute, ay kailangang ilathala sa official publication para magkabisa.

“Ang mga g*go, pinirmahan ng Presidente, ni-ratify ng Senate, diniretso sa Rome agreement, at in-attach na nila ‘yung membership natin,” aniya.

Ayon kay Duterte, dahil technically ang Rome Statute ay hindi batas sa bansa dahil hindi ito nailathala sa Official Gazette, hindi dapat na maging isyu ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC.

“You know if it is not published, there is no law. So there is no reason to withdraw something which is not existing. Walang batas e,” dugtong niya.