Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Makakapulong ni Pangulong Rodrigo Duterte si His Royal Highness Prince Abdulaziz bin Saud bin Naif ng Saudi Arabia sa tatlong araw nitong pagbisita sa bansa, simula Marso 17 hanggang 19.

Ayon sa Malacañang, makikipagpulong ang Arabian Prince sa ilang opisyal ng bansa sa Linggo at Lunes sa The Fort at sa Malacañang Palace, kabilang ang courtesy call kay Pangulong Duterte.

“He [Prince Abdulaziz] will cap off his visit to the country with a lunch at the Palace to be hosted by the Chief Executive,” sinabi ng Malacañang sa press release nitong Sabado ng gabi.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dumating ang Prince sa Villamor Airbase nitong Sabado ng gabi at sinalubong ni Chief of Presidential Protocol Robert Borje at ni Kingdom of Saudi Arabia Ambassador to the Philippines Abdullah Bin Nasser Al Bussairy.

Noong nakaraang Semana Santa, bumisita si Pangulong Duterte sa Kingdom of Saudi Arabia bilang bahagi ng kanyang three-nation swing sa Middle East na kinabilangan ng Kingdom of Bahrain, at State of Qatar.

Sa kanyang arrival speech noong Abril, 2017, sinabi ni Duterte na ang kanyang pagbisita sa Middle East ang pinakaproduktibo niyang biyahe simula nang siya ay maging presidente. Pinuri rin niya si Arabian King Salman Bin Abdulaziz Al Saud.