Sinulat at mga larawang kuha ni DANNY J. ESTACIO

SA panahon ng modernisasyon na ay patuloy na isinasagawa ang ilang dekada Boling-Boling Festival, ang itinuturing na pinakamatandang festival sa bansa. Progresibo itong isinasagawa sa bayan ng Catanauan, Quezon sa layong maikintal sa kaisipan ng kabataan ang kahalagahan at kaugnayan nito sa kultura, rehiliyon at paniniwala ng mga Pilipino.

IMG_0010 copy

Ang Boling-Boling Festival ay hindi pirmihang itinatakda sa eksaktong petsa, sapagkat ang pagsasagawa nito ay ibinabatay sa unang araw ng Kuwaresma.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Nitong nakalipas na pagdiriwang, kinakitaan ang mga kalahok ng kasuotan ng clowns at nakamaskara, kaya tinaguriang nila itong Karnabal.

Subalit hindi kinaligtaan ng mga nagsilahok ang orihinal na anyo nito, ang paghihilamos ng putik sa buong katawan at mukha, bilang pagpapaalaala na ang tao ay nagmula sa putik, ayon sa B0

anal na Kasulatan.

Ayon sa kasayasayan, ang Boling-Boling, sapul noong unang mga panahon na nakilala ito ay ilang dekadang hindi na naisasagawa sa Catanauan, at natulog ng mahabang panahon.

Subalit noong dekada 90, sa pangunguna ng dating Kinatawan ng Distrito na si Aleta C. Suarez, ay binuhay ang pagdiriwang at ibinigay ang responsibilidad sa lokal na pamahalaan at sa lokal na turismo, upang mapasigla at muli maisadiwa ang kahalagahan ng Boling-Boling sa buhay, kabuhayan, kultura at rehiliyon, partikular ng mga taga-Catanauan, at dahan-dahang ibinangon at muling nakilala sa Quezon. Sinisikap din itong maipakilala sa ibang lugar sa bansa, kaya ang Boling-boling ay inilalahok sa pambansang patimpalak ng mga festival sa Kamaynilaan, patikular sa taunang Aliwan Festival, at nagbunga ito ng isang positibong ambag nang magkamit ng parangal.

Gayundin, para lalong maging aktibo sa pakikilahok ay pinagkakalooban ni House Minority Floor Leader Danilo Suarez ng gantimpala ang mga barangay, pampubliko at pribadong paaralan, at iba’t ibang samahang sibiko kapag nananalo ang contingent.

Malaki ang pasasalamat ni Mayor Almira Orfanel at ng tanggapan ng turismo sa kanilang mga mamamayan sa patuloy pagtataguyod sa Boling-Bolibg Festival.

Sa pagdiriwang ay nabibigyan din ng pagkakataon na makilala nga mga lokal at banyagang turista ang mga pangunahing produkto na likha at sariling yari, maging hilaw na ani o lutong pagkain, na pinakakakitaan at tinitipon sa isang tiangge, katulad ng tanyag na Oscar’s Beef at squid dried tapa at Uraro cookies at marami pang iba’t ibang aning pang-agrikultura.