Mula sa Variety

NAPANATILI ng Black Panther ng Disney-Marvel ang momentum sa domestic box office, at sa ikalimang sunud-sunod na panalo ay tumabo ito ng $27 million sa 3,834 sinehan.

Black Panther

Pumangalawa ang Tomb Raider ni Alicia Vikander sa opening weekend nito na tumabo ng $23.5 million sa 3,854 sites para sa Warner Bros. at MGM. Graded B ang videogame-based action adventure na iginawad ng moviegoers sa CinemaScore exit polls.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Nalagpasan naman ng faith-based drama na I Can Only Imagine ng Lionsgate-Roadside Attractions ang forecasts sa kinitang $17.1 million sa 1,629 venues, kaya nanguna sa top per-screen average. Plano ng studio na i-extend angI Can Only Imagine, na ibinatay sa hit song na I Can Only Imagine, sa mahigit 2,000 sites sa susunod na linggo.

Pumang-apat ang time-travel adventure na A Wrinkle in Time ng Disney na kumita ng $16.6 million sa 3,980 locations, kaya kumita na ito ng $61.1 sa loob ng sampung araw.

Panglima ang gay teen comedy-drama na Love, Simon na kumita ng $11.5 million sa 2,402 venues, sa kabila ng malakas na suporta mula sa mga kritiko, na mayroong 91% “fresh” rating sa Rotten Tomatoes.

Ang Black Panther ang pampitong pelikula na lumampas sa  $600 million milestone sa North American box office, at ang pangalawang pelikula na pinakamabilis na naabot ang nasabing milestone. Ito ang fourth-highest fifth weekend sa kasaysayan, at unang pelikula na nanatili sa top spot sa loob ng limang magkakasunod na linggo, mula nang ipalabas ang Avatar noong 2009.

“Black Panther continues to astonish as it shows incredible strength fully five weeks into its amazing run as it takes on another batch of notable newcomers and comes out on top,” lahad ni Paul Degarabedian, senior media analyst, sa comScore.

Makakalaban ng Black Panther sa susunod na linggo ang Pacific Rim: Uprising ng Universal-Legendary at ang  animated comedy na Sherlock Gnomes ng Paramount. Batay sa kamakailang track para sa Pacific Rim sequel, inaasahang kikita ito ng $20 million hanggang $30 million range habang ang Sherlock Gnomes ay inaasahang tatabo ng $13 million hanggang $18 million range.

Nasa ikaanim na puwesto naman ang R-rated comedy na Game Night ng Warner Bros. na kumita ng $5.6 million sa 2,686 locations, at tumabo na ito ng $54 million sa loob ng 24 na araw. Sumunod ang family comedy na Peter Rabbit na kumita ng $5.2 million a 2,725 sites at tumabo ng ng $102.4 million sa loob ng 24 araw.

Pangwalo ang horror sequel na Strangers: Prey at Night na kumita ng $4.5 million sa 2,464 venues.