Ni Jimi Escala

SI Bibeth Orteza ang bagong festival director ng ToFarm Festival. Siya ang magpapatuloy sa mga nasimulan ng namayapang si Direk Maryo J. delos Reyes. 

bIBETH copy

Pero agad klinaro ni Bibeth Orteza na ayaw niyang gamitin ang salitang replacement siya bilang festival director ng ToFarm dahil para sa kanya ay irreplaceable si Direk Maryo J. 

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kuwento ni Bibeth, nakatrabaho niya si Direk Maryo sa pelikulang High School Circa ’65. At ang pagiging new festival director ng ToFarm Film Festival ay isang malaking karangalan para sa kanya. 

“Actually, when I came into the picture, eh, may mga ilan na rin silang nakausap. She (Dr. Milagros How) chose me not only in terms kung marami na bang awards but my capacity to the task that was left by Direk Maryo.”

Naniniwala si Bibeth na hindi siya pababayaan ng namayapang filmmaker. Tiniyak niyang gagabayan siya nito. 

“Sa totoo lang, no’ng napili ako, I asked why. I’m aware naman that I haven’t directed a movie. I directed a lot of stuff on television, so, ang tanong ko, bakit ako? Ang sa akin, I’m maternal, 

“Kumbaga, Direk Maryo was in that way, maternal to the point na he would meet the filmmakers kung ano ang problema sa script. They would discuss along with the filmmakers what needs to be done. 

“It was that quality they found in me. Hindi dahil sampu na ba ang awards ko o ano, I was not that,” paliwanag ni Bibeth. 

Gusto niyang ipagpatuloy ang mga nasimulan ni Direk Maryo sa ToFarm filmfest. 

“We dicided to make sure to continue ang karamihan ng mga nasimulan ni Direk Maryo, who was really on top of that kaya we’re drawing back at the time na he had this meeting with the selection committee,” saad pa niya.

Ayun pa kay Bibeth, may soft spot sa kanya ang farmers dahil magsasaka ang grandfather niya. 

“Pangarap ko rin na magkaroon ng movie sa ToFarm na comedy. Iyong mga kamag-anak namin sa Samar, kahit gaano kahirap ang buhay, kahit may threat ng bagyo, tumatawa talaga sila. 

“Di ba sa mga pelikula natin, kahit na may inililibing, eh, nagagawa pa rin ang katatawanan?”

Bilang bagong festival director ay nais ni Bibeth na out sa picture ang asawa niyang si Direk Carlitos at ang anak nilang si Rafa. 

“Parang ang sagwa naman kasi kapag kinuha ko naman sila, eh, iba ang dating,” sey niya.

 

Ibinalita rin ni Bibeth na cancer-free na siya. 

“I’m in my 14 years of remission and I thank God for that pero ang problema lang sa cancer, eh, parang babalik siya. Kaya nga I decided noong tinamaan ako na I’ll just be of service to my family and to the community,” sey niya. 

Ang ToFarm Film Festival ay brain child ni Dra. Milagros How, CEO ng Universal Harvester Inc, and Tofarm Chief Advocate. Nasa proseso na sila ng pagtanggap ng entries para sa festival na gaganapin sa Setyembre 12 to 18.