SYDNEY (Reuters) – Nagkasundo ang Australia at ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) saweekend summit sa Sydney na magtatag ng regional infrastructure pipeline, inihayag ng foreign minister ng Australia, sa pagsisikap ng samahan na mabalanse ang lumalakas na impluwensiya ng mga Chinese.

Ang project “will develop a pipeline of high-quality infrastructure projects, to attract private and public investment,” saad sa pahayag ni Australian Foreign Minister Julie Bishop na inilabas nitong Linggo.

Sinisikap ng Australia, United States, India at Japan na mag-establisa ng regional alternative sa multibillion-dollar Belt and Road infrastructure scheme ng China, iniulat ng Australian Financial Review nitong nakaraang buwan.

Sinabi ng tagapagsalita ni Bishop nitong Lunes na ang kasunduan ay purong inisyatibo ng ASEAN at “not to counter China”.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Sa joint communique na inilabas sa pagtatapos ng ASEAN-Australia Special Summit, nananawagan ito ang bloc ng “self-restraint” sa South China Sea, kung saan ang agresibong Chinese expansion ay ikinagalit ng mga miyembro ng ASEAN na may inaangkin ding teritoryo rito.

“This is a security and stability question in Southeast Asia which will affect all ASEAN countries if it goes wrong,” ani Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong sa news conference matapos ilabas ang communiqué.